Kapihan sa Bagong Pilipinas ginanap sa Lunsod ng San Pablo

 

Kapihan sa Bagong Pilipinas ginanap sa Lunsod ng San Pablo


 San Pablo City- Noong nakaraang Agosto 27, 2024 sa mensahe ni Mayor Vicente B. Amante sa ginaganap na Kapihan Sa Bagong Pilipinas ng Philippine Information Agency IV-A ngayong araw sa Hotel Amihan Resort, Brgy. San Jose ay lubos ang kanyang naging pasasalamat sa mga ospisyales ng PIA IV-A at DOJ IV-A na sa Lunsod ng San Pablo isinagawa ang isa sa mahalagang programa  ng PIA para  sa makabuluhang talakayan ng iba’t-ibang ahensya ng pamahalaang nasyonal. Binigyang diin ng butihing punonglunsod ang pagtutulungan at ugnayan ng Lokal at Nasyonal na Pamahalaan para sa pagbibigay ng magandang serbisyo sa mga mamamayan. 

Nakasentro sa naging talakayan ang mga programa at reporma ng Department of Justice IV-A para masiguro ang  produktibo at epektibong pagpapatupad ng sistema ng hustisya sa buong bansa. Nagsilbing presentor ng mga programs at activities ng DOJ ay sina Atty. Howard B. Areza, Regional Public Attorney, Public Attorney’s Office IV-A; State Prosecutor Josef Albert T. Comilang, National Prosecution Service IV-A at Regional Director Shirley L. Fernandez, Parole and Probation Administration IV-A. 



Nanguna rin sa programa si PIA Regional Head Ma. Cristina C. Arzadon sa pakikipagtulungan ng Pamahalaang Lunsod ng San Pablo sa pangunguna nina Executive Assistant Kristin An Picazo at City Information Officer Enrico B. Galicia. Dumalo sa Kapihan sina Prosecutor Rogelio D. Radoc Jr.; Asst. Regional Prosecutor Ma. Victoria S. Lagman;  Asst. Regional Prosecutor Shaun Hassen C. Obsum; Deputy City Prosecutor Eulogio Burcer, City Prosecution Office, San Pablo;  Dasmariñas City Prosecutor Joy Marie Frances Cortes at Atty. Ma. Sheryl L. Laure, PAO San Pablo. Nakilahok rin sa talakayan ang mga miyembro ng local at national media. (CIO/ SPC)


#calabarzon

#localnews

Comments

Popular posts from this blog

Senator Bong Go adopted son ng Bayan ng Pila

KABAKA San Pablo City Officers bumisita kay Congressman Loreto “Amben” Amante

Laguna PDRRMO holds Incident Command System Position Course