Medical equipment distribution ni City Administrator Larry S. Amante katuwang ang Emerald Lions Club
Medical equipment distribution ni City Administrator Larry S. Amante katuwang ang Emerald Lions Club
San Pablo City- Noong nakaraang Agosto 27, 2024 sa tagubilin ni Punonglungsod Vicente B. Amante ay patuloy ang distribusyon ng medical equipment, na wheelchairs at quad canes, ni City Administrator Larry S. Amante sa mga mamamayan ng lungsod ng San Pablo na nangangailangan ng tulong medikal.
Katuwang ni City Administrator Larry ang mga miyembro ng Emerald Lions Club, kasama rin ang kanyang may bahay na si Ma’am Michelle Santos-Amante. Kasabay nito ay tuloy-tuloy pa rin ang pagtanggap ni City Administrator Larry sa mga taong personal na nagtutungo sa kanyang tanggapan upang magpaabot ng kanilang mga personal na idinudulog sa kanya. (CIO-SPC)
Comments
Post a Comment