Organic Farming Training ginanap sa Lunsod ng Sto. Tomas



Organic Farming Training ginanap sa Lunsod ng Sto. Tomas

 Sto. Tomas City, Batangas- Bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap na itaguyod ang sustainable agriculture, nagdaos ng isang mahalagang pagpupulong ang pamahalaang lungsod na dinaluhan ng mga school heads mula sa elementarya, junior at senior high school, sa pampubliko at pribadong paaralan. 

Layunin ng aktibidad na ito ang pagbibigay ng mga updates tungkol sa Organic Farming Training, na naglalayong itaguyod ang mas sustenableng pagsasaka sa mga paaralan.

Isa sa mga pangunahing bahagi ng pagpupulong ang pamamahagi ng mga binhi sa bawat paaralan, na magsisilbing panimula ng kanilang organic gardens. Tinalakay rin ang mechanics para sa nalalapit na Best Gulayan sa Paaralan Contest 2024 at Best Gulayan sa Tahanan 2024 Contest, na pangangasiwaan ng City Agriculture Office.

Nakiisa din sa naturang pagpupulong sina City Councilor Danilo Mabilangan, City Administrator Engr. Severino Medalla at SDS SDO Dr. Neil Angeles, na aktibong sumusuporta sa mga proyektong mag-aangat sa antas ng agrikultura sa ating mga paaralan.

Ang mga inisyatibang ito ay bahagi ng adhikain ng lokal na pamahalaan sa pamumuno ni Mayor Atty. Arth Jhun Aguilar Marasigan, kaagapay si Vice Mayor Catherine Jaurigue-Perez at mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod, na magtaguyod ng mga programang nagpapalakas sa organic farming, at magtuturo ng mahalagang kaalaman sa ating mga kabataan tungkol sa pangangalaga sa kalikasan.

Comments

Popular posts from this blog

Senator Bong Go adopted son ng Bayan ng Pila

KABAKA San Pablo City Officers bumisita kay Congressman Loreto “Amben” Amante

Laguna PDRRMO holds Incident Command System Position Course