SUPER HEALTH CENTER PINASINAYAAN SA BAYAN NG MABITAC

Mabitac, Laguna- Pormal ng binuksan ang Super Health Center sa bayan ng Mabitac, Laguna ngayong araw ika-2 ng Disyembre 2024.

Adbokasiya ni Senator Christopher Lawrence  "Bong" T. Go na matulungan ang mya mga sakit na kababayan na magkaroon ng pagkakataon magamot sa magandang pasilidad at libreng  serbisyong medikal.

Si Senator Bong ang punong may-akda at isponsor ng Republic Act No. 11463 o ang Malasakit Centers Act of 2019, na nag-institutionalize sa Malasakit Centers program.
Ang Malasakit Center ay isang one-stop shop na naglalayong magbigay ng tulong medikal at pinansyal sa mga pasyente sa lahat ng mga ospital na na nasailalim ng DOH. 

Bagamat hindi personal na nakadalo si Senator Bong Go sa ginawang pasinaya ng Super Health Center sa bayan ng Mabitac, nagpaabot ng mensahe ang senador via phone patch.
Nabanggit ng senador ang paghingi ng paumanhin dahil sa sama ng panahon at hindi na sila nakatuloy, ngunit ang mas mahalaga ay agarang magamit ang pasilidad para sa mga kababayang may mga karamdaman.
Ang Super Health Center at isang specialty clinic kung saan may mga komprehensibong  hanay ng mga serbisyong Medical kabilang database management, out patient care, birthing, isolation, diagnostic, laboratory xrays at ultrasound at pharmacy.

Ayon kay Sen. Bong Go, inaasahan na may kabuuang 13 Super Health Center ang itatayo sa buong Lalawigan ng Laguna.

Lubos ang pasasalamat ni Municipal Mayor Reyes  kay Sen. Bong Go gayundin ang mga mamayang nagsidalo sa nasabing programa dahila may handog na food package ang senador. 

Comments

Popular posts from this blog

Senator Bong Go adopted son ng Bayan ng Pila

KABAKA San Pablo City Officers bumisita kay Congressman Loreto “Amben” Amante

Laguna PDRRMO holds Incident Command System Position Course