City Government’s Night matagumpay na naidaos sa huling gabi ng selebrasyon ng 30th Coco Festival

 City Government’s Night matagumpay na naidaos sa huling gabi ng selebrasyon ng 30th Coco Festival


Nasa larawan sina (L-R) City Administrator Larry Amante, Ms. Yeng Constantino, Cong. Amben Amante, City Mayor Vic Amante at Vice Mayor Justin Colago sa ginanap na City Governments’s Night sa selebrasyon ng 30th Coco Festival. (Mhadz Marasigan/ Photo credit: CIO San Pablo)

San Pablo City-Noong nakaraang Enero 15, 2025 sa pag-gabay ni Punonglungsod Vicente B. Amante at pamumuno ni City Administrator Larry S. Amante bilang Overall Chairman ng 30th Coco Festival ay matagumpay na naidaos ang City Government’s Night sa huling gabi ng selebrasyon na ginanap sa San Pablo City Plaza Main Stage.

Binigyang saya nina Jhong Hilario, Lianne Valentin at Yeng Constantino ang lahat ng mga San Pableño sa pamamagitan ng kanilang mga performances na sadya namang ikinatuwa at ikinagalak ng lahat.

Dinaluhan din ng lahat ng mga miyembro ng Sangguniang Panglungsod sa pangunguna na rin ni Vice Mayor Justin G. Colago, Ako Bisaya Partylist Nominee Tin A. Picazo, 3rd District Representative Loreto S. Amante at Former Ex-Officio Board Member Yancy Amante ang nasabing programa. Nagpapasalamat ang buong lokal na pamahalaan sa naging suporta ng lahat ng mga mamamayan ng lungsod ng San Pablo sa naging selebrasyon ng 30th Coco Festival. (CIO-San Pablo)

Comments

Popular posts from this blog

Senator Bong Go adopted son ng Bayan ng Pila

KABAKA San Pablo City Officers bumisita kay Congressman Loreto “Amben” Amante

Laguna PDRRMO holds Incident Command System Position Course