Daily wage ng mga Job Order Employees ng San Pablo muling itataas

 San Pablo City-Inaasahang sa susunod na Linggo’y opisyal nang ipapahayag ni San Pablo City Mayor Vicente Belen Amante ang muling pagtataas ng Daily Wage ng mga Job Order Employees ng lungsod na ito.

Mula sa 450php/day ay magiging 600php/day ang  kikitain ng mga kawaning Job order ng San Pablo. 

Ito na ang ikatlong pagtataas ng sahod para sa naulit na mga kawani. Matatandaang mula sa 200php kada araw na kinikita ay naisulong ng kasalukuyang Administrasyong Vic Amante  maging 400php/day. Pinalipas lang ang ilang buwan ay muling iniadjust at ginawang 450 pesos upang matugunan ang pananawagan ng mga maliliit na kawani ng  lokal na pamahalaan.

Ang 600 pesos per day na kikitain ay tumutugon sa iminumungkahing daily wage rate ng  job order employees ng mga LGUs sa CALABARZON Area na nagsasabing kung maaari’y 500php hanggang 560php o kung kakayanin ng taunang pondo at naaayon sa itinatadhana ng batas  ay higitan pa ang dapat matanggap na sweldo.

Habang isinusulat ang balitang ito ay isinasagawa na ang ‘performance validation’ ng mga  Job order employees upang makatiyak magiging masipag,matapat at mahuhusay na lingkod bayan ang mga ito. (Sandy A. Belarmino)


#calabarzon

#localnewspaper

Comments

Popular posts from this blog

Senator Bong Go adopted son ng Bayan ng Pila

KABAKA San Pablo City Officers bumisita kay Congressman Loreto “Amben” Amante

Laguna PDRRMO holds Incident Command System Position Course