Forefront (Ang Aking Pangarap)

 Minsan ako ay nangarap na sarili ay umangat

Minsan ako ay nangarap ng aking pagkakakilanlan

Minsan ako ay nangarap na ako ay magkaroon ng sariling akin

Minsan ako ay nangarap sa iba ay makatulong

Mithiing sarili'y maitayo at maitaguyod


Sa Diyos ako'y lumapit sa dasal ako'y kumapit

Pagsisimulay hindi mawari mga tanong sa isip ang namumutawi

Mga mata kong may luha, mga kamay nagsusumamo sa Amang banal na tinig koy mapaabot


Hindi makapaniwala  sa nangyaring himala

Minimithing pangarap ay kanyang pinagkaloob

Sariling dyario ay nabuo


Akala ko’y madali lang ang lahat

Ngunit meron nga bang madali sa simula?

Diyos ang naging sandigan upang ang hirap ay di maramdaman

Tuloy ang kayod para sa sariling paglago


Oras at araw ay di namalayan

Isang taon napala ang nakaraan

Nang aking pasimulan dyariong minamahal 

Diyos ang tanging naging katuwang at kailanman hindi ako pinabayaan


Aking nalasahan ang tamis ng aking pinaghirapan

Sa patuloy na pagaaruga at tamang pagaalaga dyario kong mahal tuloy na yayabong


Walang hanggang pasasalamat sa Dakilang Panginoon at sa mga taong kanyang pinatulong upang ang aking minsang pangarap ay tuluyang maganap


To God be the highest Glory!

Comments

Popular posts from this blog

Senator Bong Go adopted son ng Bayan ng Pila

KABAKA San Pablo City Officers bumisita kay Congressman Loreto “Amben” Amante

Laguna PDRRMO holds Incident Command System Position Course