Kabataan ng Nagcarlan, ginagabayang maging mga agripreneur

 
Kabataan ng Nagcarlan, ginagabayang maging mga agripreneur



Nagcarlan, Laguna-Personal na pinangunahan ni Nagcarlan Mayor Elmor Vitangcol Vita pamamahagi ng mga free-range chicken na tinanggap ng Pamahalaang Munisipal ng Nagcarlan  sa ilalim ng Binhi Ng Pag-asa Program ng Tanggapan ni Senadora Grace Poe bilang “starter kit” ng 22 kabataan  tumapos ng pagsasanay na ipinagkaloob ng Department of Agriculture (DA)-Agricultural Training Institute-CALABARZON, na may tulong mula sa Field Agricultural Extension Service – Office of the Provincial Agriculturist of Laguna,  at Laguna Provincial Veterinary Office upang sila ay magabayang maging mga agripreneur o mga negosyante sa larangan ng paghahalaman at paghahayupan. Ang free-range chicken ay mga manok na mahaba ang buhay at masaganang mangitlog pag-inaalagaan sa maaliwalas na kapaligiran. (Ruben E. Taningco/Photo: supplied)

Comments

Popular posts from this blog

Senator Bong Go adopted son ng Bayan ng Pila

KABAKA San Pablo City Officers bumisita kay Congressman Loreto “Amben” Amante

Laguna PDRRMO holds Incident Command System Position Course