Mayora Gem Amante nais palawakin at i-abot ang tulong sa mga karatig bayan sa Lalawigan ng Laguna
Mayora Gem Amante nais palawakin at i-abot ang tulong sa mga karatig bayan sa Lalawigan
San Pablo City- “Palawakin at i-abot ang tulong sa mga karatig bayan sa Lalawigan ng Laguna” mensahe ni San Pablo City First Lady Gem Retuerto-Amante sa panayam sakanya noong nakaraang Biyernes ika-10 ng Enero 2025.
Matatandaan na si Mayora Gem Retuerto Amante ay nagsumite ng kanyang COC sa pagka Bise Gobernadora ng Lalawigan ng Laguna.
Si Mayora Gem Retuerto Amante ay may bahay ni San Pablo City Mayor Vic Amante na nagnanais na magkaroon ang mga karatig bayan ng mga progresibong programa at serbisyo tulad ng mayroon ang Lungsod ng San Pablo.
Hindi pa man nagdedeklara ng kandidatura si Gem ay likas na sa kanyang ugali ang pagiging matulungin at mababa ang loob sa mga kababayang mahihirap.
Ang pagkakaroon ni Gem ng posisyon sa Panlalawigang Pamahalaan ay malaking tulong upang makapagbalangkas ng mga batas upang higit na matulungan ang mga maralitang kababayan.(Mhadz Marasigan)
Comments
Post a Comment