Pa-Raffle ni Yancy Amante sa Poblacion Dos
Pa-Raffle ni Yancy Amante sa Poblacion Dos
Tulad sa nauna ng ginawa niyang pagdalaw upang maghatid ng saya sa Barangay San Benito, San Agustin, at Poblacion Cuatro, ay naging masaya rin ang pagdalaw ni Konsehal Yancy Amante, ang Batang Palita, sa Barangay Poblacion Dos noong nakaraang Sabado, Enero 18, na tinampukan din ng mga parlor games at Pa-raffle. Nasa Barangay Dos ang mga matatahimik na pamayanan.
Si Yancy Amante, kasama ang kanyang maybahay na si Lianne Valentin na isang artista ng GMA 7, na siyang gumanap na emcee o master of ceremony ng palatuntunan, Acting ABC President/Konsehal Billy M. Bautista, at si Congresswoman Ruth Mariano Hernandez ng 2nd District of Laguna na naghahangad maging Gobernadora ng Laguna, ay malugod na tinanggap ng Sangguniang Barangay ng Poblacion Dos sa pangunguna ni Punong Barangay Angelo “Ian” S. Oba, na isa ring aspiranteng maging Konsehal sa Bayan ng Alaminos, sa kanilang barangay covered court.
Ayon sa obserbasyon ni Konsehal Billy Bautista, ang ipina-raffle ni Yancy Amante ay 500 kilong bigas, apat (4) na panlamesang bentilador, tatlong (3) washing machine, at isang 43-inch television set. May raffle prizes din ipinagkaloob ang maybahay ni Gobernador Ramil L. Hernandez.
Kasama ni Yancy Amante sina Acting ABC President Billy M. Bautista, Punong Barangay Angelo Secreto Oba, Congresswoman Ruth M. Hernandez, at kanyang maybahay na si Gng. Lianne Valentin-Amante. (Ruben E. Taningco)
Comments
Post a Comment