Serbisyong wagi, palaging may ngiti sa mga mamamayan ng Lungsod ng San Pablo alay ni City Administrator Larry S. Amante
Serbisyong wagi, palaging may ngiti sa mga mamamayan ng Lungsod ng San Pablo alay ni City Administrator Larry S. Amante
San Pablo City-Noong nakaraang Enero 6, 2025 ay bumisita ang mga punong barangay, mga mamamayan ng lungsod na humihingi ng tulong pinansyal at medikal, mga punong tanggapan ng lokal na pamahalaan at miyembro ng kapulisan sa tanggapan ni City Administrator Larry S. Amante.
Kasama rin sa mga bumisita sa tanggapan ni City Administrator si Ako Bisaya Partylist Nominee Kristin A. Picazo, Former Barangay Chairperson Leonardo “Ding” Villanueva, PESO Manager Pedrito D. Bigueras, CDRRMO Chief Vanessa Titular-Reyes, General Services Officer Dr. Marianne De Luna-Belen, LEDIPO Officer Paul Michael M. Cuadra, at 7 Lakes Press Corps President Rosandro Belarmino.
Tulad ni Punonglungsod Vicente B. Amante ay agarang binigyang aksyon at solusyon ang lahat ng isinangguni sa kanyang tanggapan ngayong araw upang agad din na mabigyan ng katuparan ang mga programa at proyektong tunay na makakabuti sa buong lungsod ng San Pablo. (CIO-San Pablo)
Comments
Post a Comment