Vice Governor Karen Agapay pormal na naging Reserved Official ng Philippine Army

 Vice Governor Karen Agapay pormal na naging Reserved Official ng Philippine Army


Los, Baños, Laguna;  Ginawaran ng ranggong Major sa Philippine Army si Laguna Vice Governor Karen Agapay sa isang pagtitipon na ginanap sa Camp Macario Sakay noong Sabado ng umaga. 

        Ang okasyon ay kasabay ng maging Punong Tagapagsalita  si VG Agapay sa pagtatapos ng Basic Citizen Military Training ng mga kadete ng naturang kampo. 

       Personal na ikinabit sa army uniform ni VG Agapay ang insigna ng pagiging Major nito ni Col.Ramil Anoyo, ang pinuno ng mga Army Reservist ng 4th RCDG sa Laguna. 

       Ayon sa report, binigyan pagpapahalaga ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas ang kakayahan ni VG Agapay sa mga programang nag- uugnay sa pagkakaisa at matahimik na komunidad ng mga Pilipino. 

        Ang Donning of ranks na iginawad sa kaniya ayon naman kay VG Agapay ay nagpapatunay na ang  isang local government official tulad niya ay nararapat na maging ehemplo ng pagiging tapat, mapagkalinga at mapagmahal sa bansa at mamamayan.(Arman Cambe)

Comments

Popular posts from this blog

Senator Bong Go adopted son ng Bayan ng Pila

KABAKA San Pablo City Officers bumisita kay Congressman Loreto “Amben” Amante

Laguna PDRRMO holds Incident Command System Position Course