35th Founding Anniversary ng Areza Group of Companies masayang ipinagdiwang
35th Founding Anniversary ng Areza Group of Companies masayang ipinagdiwang
Pagsanjan Laguna- Malayo na ang nararating ng pag asenso ng Pagsanjan Laguna sa pamumuno ni Mayor Cesar Areza, katulad ng kanyang naitatag na Areza Group of Companies na noong Enero 30 ay ginanap ang ika 35th Founding Anniversary na dinaluhan ng mga ibat- ibang Mayor sa bayan ng Laguna. bilang pasasalamat inimbitahan din ang mga Tax Payer at kanilang mga business partner Kasama ang empleyado nila.
Pagbati ang hatid ng Alkalde sa kanyang mga anak dahil ang Areza group of Companies ay isinalin na nito sa kanila sa pangunguna ng Board of Director Gabby Areza, at Grace Areza ang automotive president, si Gem Areza, naman ang non automotive president at ang kanilang CEO Lolit Areza.
Nais nilang magpasalamat sa lahat ng tumangkilik sa kanilang produkto mula sa Hyundai Car dealer, truck and busses, SUV, gayun din ang LTO , TESDA, Philippines National Driving Academy, maging ang Villa Areza Resort, Mayo Trese Waist Management , at mga restaurant sa Pagsanjan. Umabot na 35 taon na good in service, prioridad ang pangangailangan ng mga tao serbisyong inihahandog ng grupo.
Itatayo na din ang Areza Condotel kasabay ng nalalapit na pagtatayo ng SM City of Pagsanjan na inaabangan Hindi lamang ng mga Taga Pagsanjan maging sa kabilang Bayan
Sa darating na Pebrero 15 ay gaganapin naman ang ground breaking ng 4.5B budget para sa hospital na itatayo sa katabi ng Condotel along National Highway ng Pagsanjan gayun din ang dialysis center na malapit na ding umpisahan maging ang construction ng Shakeys group of restaurant ay inuumpisahan na.
Ayon kay Mayor Cesar Areza tuloy tuloy na ang pag asenso ng kanilang bayan ,nais din ng mg investor na maumpisahan na ang airport na mag papaangat ng economiya ng kanilang bayan. May mga nakalaan na din budget mula sa National para sa construction ng farm to market road.
Hindi lamang district 4 ng Laguna ang makikinabang sa pag asenso at paglago ng ekonomiya ng Pagsanjan kundi pati na din ang Quezon at iba pang karatig bayan nito.
“Hindi Tayo titigil ng pahingi ng tulong sa National para sa pag unlad ng Pagsanjan” Ani Areza ,kinilala sila bilang tourist Capital ng Laguna ,sumisikat buong Pilipinas na .(Lynn Domingo)
Comments
Post a Comment