Barako Festival 2025 sumasalamin sa mayamang kultura sa bayan ng Lipa

 Barako Festival 2025 sumasalamin sa mayamang kultura sa bayan ng Lipa


Lipa City- Mas pinaghandaan ang Ikatlong taon ng pagdiriwang ng Barako Festival sa Lungsod ng Lipa.
Ayon sa kasaysayan kinilala ang bayan ng Lipa dahil sa “Liberica coffee” o Kapeng Barako dahil noong 18th-19th century ay halos 2/3 ng bayan ng Lipa ay may tanim na puno ng kape at kinilala ang Pilipinas na ikaapat na pinakamalaking produser ng kape sa buong mundo noong panahon na iyon. Bukod sa kape ay kilala din ang Lipa na isa sa magaling at magandang gumawa ng balisong sa Lalawigan ng Batangas.
Ang Barako Festival ay selebrasyon ng pag alala at pagpapakita ng mayamang kultura sa bayan ng Lipa.
Ngayong taon sa pangunguna ni Lipa City Mayor Eric Africa katuwang sina Batangas Governor Aspirant Vilma Santos-Recto, Vice Governor Aspirant Luis Manzano, 6th District Congressman Aspirant Christian Recto, Angkas Partylist at CEO George Royeca, CWS Partylist Cong. Edwin Gardiola at Barako Festival 2025 Director John Bryan Diamante ay higit na pinasaya, pinalawak at pinaghandaan ang Barako Festival na gaganapin mula Pebrero 13-15, 2025.
Dumalo at nakilahok din sa nasabing selebrasyon ang ibat-ibang bayan sa Lalawigan ng Batangas.
Inaasahan ng ngayong taon ang humigit kumulang 300,000 katao ang darating at makikilahok sa Barako Festival
Kasabay ng pagsisimula ng Barako Festival ay ginawa ang Ground Breaking ceremony para sa itatayong  The Bean at Barako Triangle na matatagpuan sa may Bypassroad sa Brgy. Marauoy, Lipa City, Batangas. (Mhadz Marasigan)

Comments

Popular posts from this blog

Senator Bong Go adopted son ng Bayan ng Pila

KABAKA San Pablo City Officers bumisita kay Congressman Loreto “Amben” Amante

Laguna PDRRMO holds Incident Command System Position Course