BHW General Assembly

 BHW General Assembly


Idinaos ng lokal na pamahalaan sa pamumuno ni Mayor Atty. Arth Jhun Aguilar Marasigan, ang BHW General Assemblyna dinaluhan ng 300 Barangay Health Workers (BHW) mula sa iba’t ibang barangay ng lungsod.

Binigyang-diin sa programang ito ang ilang mahahalagang usapin para sa mas epektibong serbisyo ng mga BHW gaya ng pag-update ng family profiling, pagbabakuna, at mga programa para sa anti-cervical cancer.

Binakunahan din ng flu vaccine ang mga BHW participants upang masigurong protektado sila laban sa sakit. Tinalakay din ang iba’t ibang usaping may kaugnayan sa kalusugan ng bawat barangay.

Nakiisa din sa aktibidad na ito sina Vice Mayor Catherine Jaurigue-Perez, Dra. Arnielyn Marasigan-Aguirre HEPU Adviser/Executive Asst V., BHW Pres. Angie Villegas, at mga kawani ng City Health Office.


Comments

Popular posts from this blog

Senator Bong Go adopted son ng Bayan ng Pila

KABAKA San Pablo City Officers bumisita kay Congressman Loreto “Amben” Amante

Laguna PDRRMO holds Incident Command System Position Course