Dapat ang makataong pangangalaga sa taong maykapansanan
Dapat ang makataong pangangalaga sa taong maykapansanan
ng panukalang batas na inihain ni Congressman Loreto S. Amante ng Laguna’s 3rd Legislative District na ngayon ay masinop nang pinag-aaralan na ng House’s Committee on Persons With Disabilities na kanyang pinagsisikapang mapagtibay ng House of Representatives ay ang House Bill No. 2049 na naglalayong makapagpatayo ng Center For Individuals With Special Needs (ISN) In The Country na pangangasiwaan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), isa sa Luzon, isa sa Visaya, at isa sa Mindanao, upang doon kupkupin at maayos na mapangalagaan ang mga nauulilang mga ipinanganak na nagtataglay ng kapansanan at may mahinang pag-iisip, kaya nangangailangan ng natatanging atensyon, subalit walang kamag-anakang sa kanila ay mag-andukha o kumupkop, at bunga nito, sila ay nagiging palaboy at karagdagang suliranin ng lipunan.
Sang-ayon kay Congressman Amante, kung ang maiilap na hayop o wildlife na masusumpungang may kapansanan ay pinangangalagaan ng DENR, lalo na ang mga natatanging kabataang tao na walang kumukupkop ang dapat ipagpatayo ng maayos na kanlungan o shelter para sila ay doon mapangalagaan. (Ruben E. Taningco)
Comments
Post a Comment