forefront: Dakilang Pag-ibig

 Dakilang Pag-ibig

Kinagisnan ko na noon sa aming paaralan na  tuwing sasapit ang Araw ng mga Puso ay gumupit ako ng korteng puso sa pulang kartolina at isasabit ito sa bintana o pintuan ng aming silid, gayundin ay gumawa ako ng mga valentines card at ibigay sa aking mga magulang at kaibigan tanda ng pag-ibig ko sa kanila.

Kasarap na laging gunitain ang bawat araw na may pag-iibigan, lalo’t higit ang Pag-ibig na nagmula sa Diyos.

Dakila ang Pag-ibig ng Diyos sa atin, ipinagkaloob Niya ang kanyang anak na si JESUS upang akuin ang ating mga kasalanan para sa kapatawaran natin.

1 Juan 4:10-16

Ito ang tunay na pag-ibig: hindi tayo ang umibig sa Dios kundi siya ang umibig sa atin; at isinugo niya ang kanyang anak upang akuin ang ating mga kasalanan para sa kapatawaran natin. Mga minamahal, kung ganoon na lamang ang pag-ibig ng Dios sa atin, nararapat lamang na mag-ibigan tayo.

Lucas 10:27

Sumagot siya at sinabi: Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos ng buong puso mo at ng buong kaluluwa mo at ng buong lakas mo at ng buong isip mo. Ibigin mo ang iyong kapwa tulad ng iyong sarili.

Ang pagpapakita natin nang pagmamahal, pag-aaruga, pag-intindi, pagpapahalaga at pagunawa sa ating kapwa ay ang pinaka dakilang pag-ibig.

Ang Pag-ibig ng Diyos ay hindi kumukupas, Ang awa Niya ay di’ magwawakas. Ito’y laging sariwa sa bawat umaga.

Patuloy tayong manalangin sa Panginoon na palagiang turaan ang ating Puso na unahin ang kalooban Niya at  maging maibigin sa ating kapwa.


To God be the Glory


Comments

Popular posts from this blog

Senator Bong Go adopted son ng Bayan ng Pila

KABAKA San Pablo City Officers bumisita kay Congressman Loreto “Amben” Amante

Laguna PDRRMO holds Incident Command System Position Course