forefront: Marami pang mabubuti

 forefront: Marami pang mabubuti

Naniniwala ako na marami pa ang mabubuting tao dito sa ating mundo

Nito lamang nakaaraan linggo nang utusan ko ang aking anak na padalhan ako ng pera gamit ang GCash App, sa kalituhan ng anak  ko, nagkamali sya ng pindot sa huling numero ng aking telepono yung dapat sana ay “9” ang napindot nya ay “6”. Nagtanong ang aking anak sa taong nasa counter kung anu maari nyang gawin, malungkot ang tugon sa kanya, pumasok na daw ang pera sa nasabing numero.

Sinubukan kong tawagan ang numerong iyon ngunit hindi sumasagot. Nagpadala ako ng mensahe sa “text” upang ipaalam ang pagkakamaling pagkakapindot ng numero ng aking anak at nakiusap na kung maari ay mapabalik ang perang hindi sinasadyang naipadala sa numero niya dahil pambayad iyon ng aming bills.

Sa kalungkutan kami ay nanalangin para sa kalooban ng Panginoon at hiling na Siya ang kumilos sa sitwasyon namin, malaki rin kawalan samin ang nasabing pera.

Mga Taga-Filipos 4:6-7 

Huwag kayong mabalisa tungkol sa anumang bagay. Sa halip, hingin ninyo sa Diyos ang lahat ng inyong kailangan sa pamamagitan ng panalanging may pasasalamat. At ang kapayapaan ng Diyos na hindi kayang maunawaan ng tao ang siyang mag-iingat sa inyong puso at pag-iisip dahil sa inyong pakikipag-isa kay Cristo Jesus.

Makalipas ang dalawang araw nag reply sa akin ang numerong nakatanggap ng pera at nagsabi na isasauli daw nila ang perang di sinasadyang napadala sa kanila.

Natagalan daw ang response niya dahil sa kaniyang trabaho at hindi siya maalam mag-operate ng GCash at kailangan niya itong ipagawa sa anak niya.

Truly Amazing! Ang pagkilos ng Panginoon sa aming buhay, tunay na  kapag nagtiwala ka sa Diyos, Siya ang kikilos at walang imposible.

Naniniwala ako na hinipo ng Diyos ang puso ng taong maling napadalhan ng pera upang isauli ito at ang kanyang pagsunod sa kalooban ng Diyos ay hindi mawawalan ng saysay at higit pang pagpapala ang kanyang kakamtin at ng  kanyang buong pamilya .

To God be the Glory!


Comments

Popular posts from this blog

Senator Bong Go adopted son ng Bayan ng Pila

KABAKA San Pablo City Officers bumisita kay Congressman Loreto “Amben” Amante

Laguna PDRRMO holds Incident Command System Position Course