Kap. Jun Ynion na bagong ABC President ng Lungsod ng San Pedro
Kap. Jun Ynion na bagong ABC President ng Lungsod ng San Pedro
San Pedro City, Laguna- Nahalal bilang Pangulong ng Liga ng mga Barangay (LnB) si San Antonio Chairman Jun Ynion sa isinagawang eleksyon noong nakaraang Lunes ika-10 ng Pebrero 2025 na ginanap sa San Pedro City Session Hall.
Ang halalaan ay inobserbahan ni DILG Rep. Ms. Fatima Alon at mga opisyal ng COMELEC.
Matapos ideklarang panalo si Kapitan Jun Ynion bilang pangulo ng LnB, siya ay nanumpa sa tungkulin kay Lone District Representative Ann Matibag na sinaksihan ng kanyang may bahay Gng. Carissa Ynion at mga tagasuporta.
Nagpaabot ng pagbati si Congresswoman Ann Matibag, “Congratulations to the newly-elected ABC President Kap. Jun Ynion! This victory is particular significant as it represents the culmination of our efforts and dedication in the quest for justice in our cherished city. I am thankful that our hard work has finally payed! Now, San Pedro City has its very own ABC President”
Sa kanyang pahayag, sinabi ni Kap. Jun Ynion “Collective Effort, Towards the Progress of San Pedro! The majority of San Pedro Barangay Captains support your servant as the new ABC President. In fact, your servant promises to cooperate in our service to provide sufficient service to our constituents. You can expect that I will give my full skill and proper leadership as the ABC representative of the association of captains. To our 14 Barangay Captains, Hon. Eugenio S. Ynion Jr., Hon. Romeo Bonoan, Hon. Rodolfo Dimaunahan, Hon. Vioquelin Pascual, Hon. Samuel Rivera, Hon. Mario Pastidio, Hon. Bernabe Baldomar, Hon. Ernesto Doncillo, Hon. Roberto Ordan, Hon. Larry Edward Licmo, Hon. Rhexter S. Labay, Hon. Restituto Hernandez, Hon. Reinelin Talaga, Hon. Edwin Matunog, we will continue to uphold our sworn duty to the community. Forward San Pedro, We Can Do This!”
Nagpaabot din ng pagbati si Atty. Melvin Matibag at kinilala ang kanyang kontribusyon sa pagkamit ng kanilang pinakahihintay na tagumpay sa halalan. “Sa wakas, pagkatapos ng matagal na paakyat na pakikibaka, nalampasan namin ang hamon na ito sa suporta ng aking asawa, si Congresswoman Ann Matibag... nagsusumikap kami para sa isang mas maliwanag na hinaharap.”(RJ Reportorial/Photo credit-Cong. Ann Matibag FB Page).
Comments
Post a Comment