Kuwentong Malasakit
Kuwentong Malasakit
Lubos na nagpapasalamat si Christopher Allen Felizardo, 28-anyos na delivery rider mula sa Davao City, dahil agad na nabigyang atensiyon ang kalagayan ng kanyang anak na si Caleb matapos ito ma-diagnosed na may congenital hearing loss.
Ibinahagi ni Christopher na simula no’ng ipanganak si Caleb ay napapansin nila na hindi ito tumutugon kapag tinatawag. Napagtanto na lang nila ang kalagayan ng anak nang dalhin ito sa doktor. Dahil sa simpleng pamumuhay, kulang ang kakayahan ni Christopher na masagot ang medikal na atensiyon at hearing device na kinakailangan ng kanyang anak. Mabuti na lang at naibsan ang kanyang pangamba no’ng mabalitaan ang tulong na kayang ibigay ng Malasakit Center program sa mga katulad nilang nangangailangan.
Dahil sa Malasakit Center program na sinimulan ni Senator Kuya Bong Go, milyun-milyong Pilipino na ang natulungan at nabigyan ng pag-asa, kabilang na sina Christopher at Caleb.##
Comments
Post a Comment