Lumahok sa Job Fair na may kaayusan paalaala ni Acting PESO Manager Pedrito D. Bigueras



Lumahok sa  Job Fair na may kaayusan paalaala ni Acting PESO Manager Pedrito D. Bigueras

Fair na itataguyod ng Pamahalaang Lungsod ng San Pablo sa SM City San Pablo sa darating na Pebrero 15, na isang araw ng Sabado, nagpapaalaala si Acting PESO Manager and PESO Focal Person Pedrito D. Bigueras ng San Pablo City Public Employment Services Office (PESO), sa lahat ng magsisipaghanap ng gawain, na magsadya sa jobs fair na may kaayusan, tulad ng pagsusuot ng angkop na damit , maayos at malinis na pangangatawan, na kung lalaki ay walang hikaw, at mga tattoo, sapagka’t ito ang nakapagbigay ng maganda o masamang impresyon sa mga human resource officer na nakikipanayam sa mga aplikante.
    Ang nabanggit na  Job Fair sa SM City San Pablo ayon kay Bigueras ay may sapat na kapahintulutan ng Department of Labor and Employment-Region-IV-A. 
     Pinaaalalahanan  ng  PESO Focal Person   ang mga magtutungo sa jobs fair na bentaha ang magdala ng orihinal at photo o zerox copy ng cedula; SSS Card o SSS Contribution; Barangay clearance; Police clearance; NBI clearance; birth certificate; diploma and/or school records; Certificate of No Marriage (CENOMAR) for Single Parent; litrato: dalawang  2"x2" at  isang  1"x1"; at Certificate of Employment kung mayroon. Makabubuti ring dalahin ang kanilang valid passport kung mayroon na nito.
     Magdala na rin ng  rin ng nakahanda ng personal data sheet, manamit ng maayos at maging handang sumailalim ng personal interview, sapagkat ang pagtawag para kapanayamin ng isang human resource personnel  ay nangangahulugan na ang application ng ipinatatawag na applicant ay isinasaalang-alang. At magdala na rin ng sariling ball pen na itim ang tinta.
     Ang isang job applicant ay dapat na handang humarap sa interview, kaya dapat na kabisado niya kung papaano niya ipakikilala ang kanyang sarili sa makikipanayam sa kanya, sapagka’t may mga pagkakataon na may mga job applicant na agarang tinatanggap at napagkakalooban ng gawain sa mismong jobs fair o hired-on-the-spot..
      Payo ni Bigueras, paghandaan ang paglahok sa jobs fair, upang sa paglahok niya ay may tiwala siya sa sarili, sapagka’t ito ay isang puhunan upang matagpuan niya ang angkop na gawain. (Ruben Taningco)

Comments

Popular posts from this blog

Senator Bong Go adopted son ng Bayan ng Pila

KABAKA San Pablo City Officers bumisita kay Congressman Loreto “Amben” Amante

Laguna PDRRMO holds Incident Command System Position Course