Malawakang medical mission ng aktor na si Emilio Garcia, umarangkada na sa Bay, Laguna

 Malawakang medical mission ng aktor na si Emilio Garcia, umarangkada na sa Bay, Laguna

Bay, Laguna; Mahigit sa 500 indigent patients, Senior citizens at mga ordinaryong residents ng Bay sa Laguna ang napagkalooban ng grand medical mission ng aktor na si Emilio Garcia at ngayo’y nangungunang kandidato ss pagka- alkalde ng nasabing bayan.

       Ang nasabing medical mission ayon sa aktor ay kinapapalooban ng libreng xray, laboratory examinations, medical and dental check- up kasabay na rin ng pamimigay ng mga gamot sa ubo, lagnat at sipon at pamimigay na rin ng maintenance na gamot para sa mga senior citizens. 

      Sa pahayag ni Maan Arboleda, information officer ni Mayor Garcia, tatlong araw ang itatagal ng medical mission kung saan partikukar nilang pinagtutuunan ng pansin ang mahihirap na residente ng Bay na walang kakayahan na makapagpagamot sa mga klinika at ospital. 

      Si Emilio Garcia ang namumuno sa Team Bagong Bae na binubuo ng mga dating Mayor, Vice Mayor at konsehal ng Bay na muling sasabak sa darating na 2025 midterm election. 

       Isa sa nagkaloob ng suportang medical sa grupo nina Garcia ang Bagong Henerasyon partylist na personal na namahala sa nabanggit na medical mission 

    Sa eksklusibong panayam kay Garcia ng Balita Ngayon news team, inihayag nito ang kaliwa’t kanan proyekto ng kanyang tanggapan sa bayan ng Bay na sinisiguro niya na pakikinabangan ng mga Bayenos. 

     Una rito ang pagpapatayo niya ng cable car na magsisimula sa mga upland barangay ng Bay hanggang poblasyon at ang mas malawak na health program na walang babayaran ang mga mamamayan.. 

     Idinagdag pa ng aktor ang mas maayos na drainage system na magpapahinto sa dekada ng problema sa baha ng mga Laguneno. 

     At ikatlo, ang gawin magarbo at tourist attraction ang Halaman Festival ng Bay na papantayan ang iba pang bantog at kilalang festival sa bansa.(ARMAN CAMBE)

Comments

Popular posts from this blog

Senator Bong Go adopted son ng Bayan ng Pila

KABAKA San Pablo City Officers bumisita kay Congressman Loreto “Amben” Amante

Laguna PDRRMO holds Incident Command System Position Course