Mga kababaihan ng Laguna tumanggap ng P15K Livelihood Assistance
Mga kababaihan ng Laguna tumanggap ng P15K Livelihood Assistance
aguna-Tinanggap ng 169 na miyembro ng Serbisyong Tama Kababaihan mula sa mga lungsod ng Biñan, San Pedro, Sta. Rosa at bayan ng Los Baños ang P15,000 na livelihood assistance grant na bahagi ng Sustainable Livelihood Program ng pamahalaan. Naging possible ito sa pamamagitan ng tanggapan ni Cong. Ruth M. Hernandez katuwang si Sen. Pia Cayetano. Layunin ng programang ito na makapagbigay ng panimulang kapital upang matulungan ang mga kababaihang Lagunense na makapagsimula ng kanilang sariling pangkabuhayan. Patuloy ang pamahalaang panlalawigan sa ilalim ng pamumuno ni Gob. Ramil L. Hernandez sa pakikipagtulungan sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan para sa kapakanan ng kanyang mga kababayan. (Photo: Jun Sapungan/Laguna PIO)
Comments
Post a Comment