Pagagawad sa mga benepisyaryo ng Sustainable Livelihood Program ng DSWD dinaluhan ni City Administrator Larry S. Amante
Pagagawad sa mga benepisyaryo ng Sustainable Livelihood Program ng DSWD dinaluhan ni City Administrator Larry S. Amante
San Pablo City- Noong nakaraang Pebrero 6, 2025 matapos ang pagtanggap ni City Administrator Larry S. Amante sa mga taong bumisita sa kanyang tanggapan upang humingi ng tulong pinansyal at medikal ay nagtungo siya sa SPC Multi-Purpose Convention Center, bilang kinatawan ni Punonglungsod Vicente B. Amante, upang dumalo sa programa ng DSWD na paggagawad sa mga benepisyaryo ng Sustainable Livelihood Program.
Dumalo sa nasabing programa sina City Social Welfare and Development Officer Marilyn S. Escondo, Edward Alcantara, Provincial Coordinator ng DSWD Laguna na si Conrado L. Amoranto Jr. kasama ang mga miyembro ng mga asosasyon ng mga benepisyaryo ng livelihood program. Pinangunahan ito nina San Francisco Warrior SLPA President na si Edwin De Mesa at Sikap Del Remedio SLPA President na si Catherine M. Derequito.
Nagbigay din ng mensahe si City Administrator Larry para sa lahat ng mga benepisyaryo na magpapatuloy ang pagsuporta ng administrasyong Amante sa lahat ng mga programa na mag-aangat sa estado ng mga maliliit na mamamayan ng lungsod ng San Pablo sa lahat ng panahon. Aniya ay patunay ang mga ganitong programa na may pantay na pag-lingap ang lokal na pamahalaan ng lungsod, katuwang ang mga nasyunal na ahensya, para sa lahat ng mamamayan ng lungsod ng San Pablo. (CIO-San Pa
Comments
Post a Comment