Pangangalaga sa democratic process
Pangangalaga sa democratic process
Kasama si PLtCol Franco Allex M. Reglos, acting Chief of Police sa San Pablo City, ay nakipagkita si PCol. Ricardo I. Dalmacia, ang bagong talagang hepe ng Laguna Police Provincial Office, kay Congressman Loreto S. Amante ng 3rd Legislative District of Laguna sa District Office ng mambabatas sa Malvar Mansion noong Huwebes ng tanghali, Enero 30, bilang bahagi ng paghahanda ng kapulisan upang matiyak na sa sakop ng distrito ang nalalapit na May 12, 2025 Midterm Election ay magiging ligtas at mapayapa. Kaugnay nito, hinihiling ng pinunong panlalawigan ng pulisiya ang tulong ng mga civil official upang mabuwag o mabaklas ang mga maaari ay gagawa ng gulo sa panahon ng halalan. Sinamahan si Congressman Loreto Amante sa pakikipagtalakayan ni Calauan Councilor Charles Owen M. Caratihan. (Ruben E. Taningco)
Comments
Post a Comment