San Pablo City Mayor Vic Amante pinangunahan ang Kasalang Bayan
San Pablo City Mayor Vic Amante pinangunahan ang Kasalang Bayan
San Pablo City – Sa kaniyang masigasig na paglilingkod sa mamamayan, ay muling ipinamalas ni Mayor Vicente B. Amante ang kanyang dedikasyon sa pamamagitan ng Kasalang Bayan 2025, isang espesyal na pagdiriwang na mas lalong naging makabuluhan ngayong Araw ng mga Puso. Sa harap ng kanilang mga mahal sa buhay, 23 magkasintahan ang opisyal na pinag-isang dibdib sa isang makasaysayang seremonya noong nakaraang Pebrero 12, 2025 na ginanap sa San Pablo City Multipurpose Convention Center. Dumalo rin sa seremonya ang mga miyembro ng Sangguniang Panglungsod sa pangunguna ni Vice Mayor Justin G. Colago at si ABC President Ariston Amante upang magbigay suporta sa mga ikinasal. Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Mayor Amante ang kahalagahan ng matibay na pundasyon ng pamilya na nakabatay sa pag-ibig, respeto, at pangako sa isa’t isa. (CIO-San Pablo)
Comments
Post a Comment