Santa Rosa City Mayor Arlene Arcillas pinangunahan ang Kasalang Bayan

 Santa Rosa City Mayor Arlene Arcillas pinangunahan ang Kasalang Bayan


Santa Rosa City-Naghari ang pagmamahalan sa taunang Kasalang Bayan na ginanap sa lungsod noong nakaraang Pebrero 14, 2025. Sa pamumuno ng City Civil Registry Office, matagumpay na nakapagkasal ang Pamahalaang Lungsod ng Santa Rosa ng 206 na magkapareha.

Pinangunahan ni Mayor Arlene B. Arcillas ang seremonya, at buong pusong sinuportahan siya ni Vice Mayor Arnold B. Arcillas kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod. 

Ang Kasalang Bayan ay isang programa ng lungsod na isinasagawa dalawang beses sa isang taon. Layunin nito na matulungan ang mga magkasintahang nais gawing legal at ayon sa batas ang kanilang pagsasama. Hindi lamang ito isang simpleng pagdiriwang ng kasal, kundi isang patunay ng tunay na pagmamahalan at pundasyon ng isang matibay na pamilya. 

Sa pamamagitan ng programang ito, mas napapalakas ang hangarin ni Mayor Arlene na pagtibayin ang bawat pamilyang Santa Rosa. (CIO-Monroe/Mhadz Marasigan)

Comments

Popular posts from this blog

Senator Bong Go adopted son ng Bayan ng Pila

KABAKA San Pablo City Officers bumisita kay Congressman Loreto “Amben” Amante

Laguna PDRRMO holds Incident Command System Position Course