Sentro ng Patanghalan na Sining ng Biñan, pinasinayaan na

 Sentro ng Patanghalan na Sining ng Biñan, pinasinayaan na


Biñan City-Patuloy sa paglikha ng kasaysayan at pagpapahalaga sa sining, kultura at talento ang pamahalaang lungsod ng Biñan, Laguna.
Sa selebrasyon ng Araw ng Biñan at National Arts Month 2025, opisyal nang pinasinayaan ang Sentro ng Patanghal na Sining ng Biñan sa Plaza Rizal na bahagi ng Sentrong Pangkultura ng Biñan complex.
Panauhing pandangal sa selebrasyon si National Artist for Music Ryan Cayabyab na positibong nagpahayag ng suporta sa adhikain ng lungsod na pagyamanin ang kultura ng Biñan at hasain ang talento ng mga kabataang Biñanense.
Ayon kay Mayor Arman Dimaguila, ang naturang pasilidad ay bahagi ng kanilang malalim na pagpapahalaga sa kasaysayan, kultura, at sining na pamana ng lungsod sa susunod na henerasyon.
“Dito sa lugar na ‘to mas gagaling ang mga taga-Biñan lalo na ang mga kabataan, dito sa lugar na ‘to makikita lalo ng mga hindi taga-Biñan ang mga talento ng Biñan, dito magkakaroon ng mga mini concerts at iba pang aktibidad,” pahayag ng alkalde.
Ipinamalas din ng Biñan Metropolitan Chorus ang kanilang talento sa pag-awit bilang pagkilala sa ambag ni Cayabyab sa industriya.
Tinaguriang Biñan Theatre Arts Year ang Agosto 7, 2024 hanggang Agosto 7, 2025 bilang suporta ng pamahalaang lungsod sa sining ng teatro.(PIA CALABARZON)

Comments

Popular posts from this blog

Senator Bong Go adopted son ng Bayan ng Pila

KABAKA San Pablo City Officers bumisita kay Congressman Loreto “Amben” Amante

Laguna PDRRMO holds Incident Command System Position Course