AJAM Inter-TODA Basketball League

 AJAM Inter-TODA Basketball League


Pinangunahan ni Mayor Atty. Arth Jhun Aguilar Marasigan ang opisyal na pagbubukas ng kauna-unahang AJAM Inter-TODA Basketball League sa Lungsod ng Sto. Tomas, na nilahukan ng 16 na koponan mula sa iba’t ibang TODA sa lungsod, Pebrero 12.
Layunin ng liga na palakasin ang samahan ng mga TODA, isulong ang disiplina sa sports, at bigyang-pugay ang ambag ng ating mga tricycle drivers.
“Hindi lamang ito isang kompetisyon kundi isang pagkakataon upang ipakita ang pagkakaisa at sportsmanship ng ating mga TODA. Kaagapay si Vice Mayor Catherine Jaurigue-Perez at ang buong Sangguniang Panlungsod, buong puso nating sinusuportahan ang ganitong mga programa na nagtataguyod ng disiplina, kalusugan, at pagkakaibigan.”- Mayor AJAM.
Tampok din sa pagbubukas ng programa ang lighting of torch, oath of sportsmanship, at presentation ng mga muses. Asahan ang isang friendly yet competitive basketball league sa mga susunod na linggo hanggang sa pagtukoy ng magiging kauna-unahang kampeon ng AJAM Inter-TODA Basketball League! 

Comments

Popular posts from this blog

Senator Bong Go adopted son ng Bayan ng Pila

KABAKA San Pablo City Officers bumisita kay Congressman Loreto “Amben” Amante

Laguna PDRRMO holds Incident Command System Position Course