Araw ni LaguNanay, Pitong Taon ng Nagbibigay ng Tulong at Serbisyo sa Unang Distrito ng Laguna.
Araw ni LaguNanay, Pitong Taon ng Nagbibigay ng Tulong at Serbisyo sa Unang Distrito ng Laguna.
San Pedro City- "Lubos akong nagagalak na humarap sa bawat isa sainyo upang itayo ang bandera ng mga kababaihan upang ipakita ang Tibay, Tatag, at Lakas ng bawat LaguNanay na buong puso at lakas na nagbibigay ilaw sa bawat tahanan ng San Pedronian, it is with my pride that stand in front you to say we did it, panalong panalo ang mga LaguNanay" pambungad na mensahe ni Laguna First District Representative Ann Matibag sa ginanap na selebrasyon ng Woman's
Month at ika pitong taon niyang pagbibigay ng serbisyo bilang LaguNanay na ginanap sa Pacita Astrodome, Sto. Rosario Drive, San Pedro City noong nakaraang Lunes, ika-10 ng Marso 2025.
Palagiang katuwang ni Congw. Ann Matibag upang makapagbigay ng tulong at serbisyo sa mga San Pedronian ang kanyang asawa na si Atty. Melvin Matibag.
Dumalo sa nasabing programa ang buong Team ng Atin ang Magandang Bukas na sina BM Lon-Lon Ambayec, BM Atty. Jeamie Salvatierra, Kon. Julian Ventura, Kon. Iryne Vierneza, Kon. Dodiee Recto, Kon. Omie Marcelo, Kon.Gilbert Malabanan, Kon. Gius Castasus, Kon. Atty. Roy Huecas, Kon. MM Ambayec, Kon. Marion Acierto, Kon. Abam Cataquiz na magiging katuwang ni Congw. Ann Matibag sa pagpapatuloy ng isang maayos, maunlad at magandang bukas para sa mga San Pedronian.
Ayon kay Congw. Ann Matibag, handog niya para sa mga kababaihan ang spesyal na program na makatutulong na makakapag siguro ng pangmatagalang asenso at ginhawa sa pamilya tulad ng TESDA Training program at ang kaunahan sa Lungsod ng San Pedro na Kabuhayan Program Asenso Mobile Business nego cart 30 halaga kasama ang kagamitan at panimulang paninda nito.
Ayon pa kay, Congresswoman Matibag, humigit kulang 4Million pesos tulong pangkabuhayan para sa mga taga lunsod ang kaniyang ipinamahagi sa ilalim ng SPL Association , 100 miyembro nito ang magiging benepisyaryo ng Asenso Mobile Business nego cart at 200 ang makakatangap ng libreng training sa TESDA na Hilot o Massage at Bread & Pastry Program.
Binigyan diin ng kongresita na ito ay pauna batch pa lamang at susunod na rin ang ibang pang sektor sa kanilang pamayanan.
Lubos ang pasasalamat ni Congw. Ann Matibag sa tanggapan ni Pangulo Ferdinand "Bong Bong" Marcos Jr. at House Speaker Rep. Martin Romualdez sa pagbibigay at pag baba ng mga programa ng gobyerno para sa mga tao, lalot higit sa kanyang mga kababayang San Pedronian.
Sa pangwakas na mensahe ni Congw. Ann Matibag "Narito ang inyong LaguNanay Congresswoman Ann Matibag upang magdugtong ng Asenso sa ating bayan papunta sa bawat barangay, sa bawat tahanan, sa bawat pamilya at bawat mamamayan sa mahal kong bayan ng San Pedro, patuloy ko pong ipinapangako sainyo na buong buo na nakalaan ang bawat programa, ang bawat proyekto at ang bawat sentimo para sa Ating Magandang Bukas". (Mhadz Marasigan)
#LaguNanayOnTheGo
#sanpedronian
#SanPedro
#Laguna
Congresswoman Ann Matibag
#BagongPilipinas
Comments
Post a Comment