City Admin. Larry S. Amante dumalo sa pagbubukas ng AniLag Festival
Sta. Cruz, Laguna- Noong nakaraang Marso 9, 2025 - Bilang kinatawan ni Punonglungsod Vicente B. Amante ay dumalo si City Administrator Larry S. Amante sa pagbubukas ng Anilag Festival na ginanap sa Provicial Capitol Grounds, Sta. Cruz, Laguna.
Kasama sa pagbubukas ng festival ang ribbon cutting din ng mga stalls ng bawat lungsod at bayan sa lalawigan na talaga namang pinagbuhusan ng talento at mahusay na disenyo ng bawat pamahalaang lokal.
Kasama ni City Administrator Larry at ng kanyang butihin may bahay na si Michelle S. Amante sina Governor Ramil L. Hernandez, Vice Governor Karen C. Agapay, City Tourism Officer Maria Donnalyn E. Brinas, LEDIPO Officer Paul Michael M. Cuadra, CDRRMO Head Margarita Vanessa Titular-Reyes, City General Services Officer Dr. Marianne De Luna-Belen at mga ilang kawani ng pamahalaang lokal ng San Pablo. (CIO-San Pablo)
Comments
Post a Comment