Dalawa pang panukalang Batas ni Congressman Loreto “Amben” Amante

 Dalawa  pang panukalang Batas ni Congressman Loreto  “Amben” Amante

Ngayong napagtibay at naisabatas na ang House Bill No. 300 na inakda ni Congressman Loreto S. Amante na palasak na tinatawag na Senior Citizens’ Law, ang pinagtutuunan naman ng pansin  ng kaniyang tanggapan ay ang mga dapat ihanda kaugnay ng dalawa pa niyang panukala, ang House Bill No. 02049 o An Act To Establish Centers For Individuals With Special Needs In The Country, na nasa Committee  on Persons With Disabilities, at ang House No. 02050 o An Act To Amend Presidential Decree No. 1569 Entitled “Strengthening The Barangay Nutrition Program By Providing For A Barangay Nutrition Scholar In Every Barangay”  na nasa Committee on Local Government na.
Ang House No. 02049 na inihain ni Cong. Amante ay ang pagpapatayo ng Shelter for Special Child sa pangangasiwa ng DSWD, isa sa Luzon, isa sa Visaya,at isa sa Mindanao upang doon kupkupin at maayos na mapangalagaan ang mga nauulilang kabataan na nangangailangan ng natatanging atensyon kaya walang kamag-anakang sa kanila ay mag-andukha o kumupkop, at bunga nito, sila ay nagiging  palaboy at karagdang suliranin ng lipunan. Sang-ayon sa mambabatas, kung ang maiilap na hayop o wildlife na masusumpungang may kapansanan ay
pinangangalagaan ng DENR, lalo na ang mga natatanging kabataang tao na walang
kumukupkop ang dapat ipagpatayo ng maayos na kanlungan o shelter para sila ay
doon mapangalagaan.
Bilang dating punonglungsod, nakalahad sa House Bill No. 02050 pinapanukala rin ni Cong. Amante na maisabatas ang “security of tenure” ng mga Barangay Nutrition Scholars (BNS) na hindi sila maaaring alisin o palitan ng walang sapat na kadahilanan, o batay lamang sa    kapasiyahan ng nagtatalaga sa kanilang punong barangay, sapagkat ang kanilang posisyon ay hindi co-terminus ng punong barangay na nagtalaga sa kanila. Dapat isaisip na ang mga natatalagang BNS ay sumasailalim ng iba’t ibang pagsasanay, na kung sila ay basta na lamang papalitan, ang maaapektuhan ay ang maayos na paglilingkod ng Pangasiwaang Barangay sa pamayanang kanilang pinaglilingkuran.(Ruben E. Taningco)

Comments

Popular posts from this blog

Senator Bong Go adopted son ng Bayan ng Pila

KABAKA San Pablo City Officers bumisita kay Congressman Loreto “Amben” Amante

Laguna PDRRMO holds Incident Command System Position Course