Dating Senator Manny Pacquiao, suportado ng LMP Laguna
Dating Senator Manny Pacquiao, suportado ng LMP Laguna
Pila, Laguna – Nagpahayag ng suporta ang League of Municipalities of the Philippines (LMP) Laguna Chapter kay dating Senador Manny Pacquiao sa kanyang pagdalo sa isinagawang LMP meeting noong nakaraang Pebrero 25, 2025, sa pangunguna ni Pila Mayor Edgardo “Egay” Ramos.
Sa kanyang talumpati, binigyang-diin ni Pacquiao ang kanyang hangaring ipagpatuloy ang mga programang hindi naipatupad noong siya ay senador pa lamang.
“Nais kong ituloy ang programa ko na hindi naipatupad noong ako ay senador. Sa 75 panukalang batas na aking isinulong, isa sa mga hindi naisabatas ay ang pabahay program na layuning i-download sa mga Local Government Units. Sa ganitong paraan, ang mga alkalde mismo ang makapagtutukoy kung sino-sino ang tunay na nangangailangan sa kanilang mga bayan,” ani Pacquiao.
Dagdag pa niya, hindi lamang pabahay ang nais niyang tutukan kundi pati na rin ang livelihood sustainability programs, gaya ng ipinatupad niya sa General Santos, kung saan pinagkalooban niya ng kabuhayan ang mga mahihirap niyang kababayan. (Mhadz Marasigan)
Comments
Post a Comment