forefront: Una kang umibig sa amin

 Una kang umibig sa amin

"Isusubo ko na lang, ibibigay ko pa sainyo" kataga ng aking lola kapag mayroon syang  biniling gamit o pagkain para sa aming magkakapatid. Madalas ay pinalalamang na niya sa amin ang masasarap na pagkain na minsan ay binigay para kainin niya, ok na daw siya na makita kami na busog at masaya.

Hindi man kami nagmula sa sinapupunan ng aking lola ay minahal at itinuring niya kaming para na niyang mga anak.

Ang pag-ibig at paglingap sa kapwa na di alintana ang kalalagayan nito sa buhay ay sumasalamin sa dakilang pag-ibig natin kay Jesus.

Filipos 2:3-4

3 Huwag kayong gumawa ng anumang bagay dahil sa makasariling hangarin o pagpapalalo. Sa halip, sa kapakumbabaan ng pag-iisip, ituring ninyo na ang iba ay higit na mabuti kaysa sa inyo. 4 Huwag hanapin ng isa’t isa ang ikabubuti ng kaniyang sarili lang kundi ang ikabubuti rin naman ng iba.

Mateo 22:39

39 Ang pangalawa ay katulad din nito: Ibigin mo ang iyongkapwa tulad ng iyong sarili.

Una tayong inibig ng Diyos kaya tayo ay natutong umibig. Higit na mabuti na ang pagibig na ating tinanggap sa Panginoon ay maibahagi natin sa ating kapwa.


To God be the Glory

#lifetestimony

#GodisGoodAllTheTime

Comments

Popular posts from this blog

Senator Bong Go adopted son ng Bayan ng Pila

KABAKA San Pablo City Officers bumisita kay Congressman Loreto “Amben” Amante

Laguna PDRRMO holds Incident Command System Position Course