Impressive si Congressman Amben Amante

 Impressive si Congressman Amben  Amante  


Isang dating Kinatawan ng isang Distrito sa Batangas ang nagsabing “impressive  o kahanga-hanga” si Congressman Loreto Amante dahil sa bagamat isang baguhan o bagito, sa pagsisimula pa lamang ng 19th Congress ay ang tatlo (3)  sa 11 binalangkas niyang mga panukalang batas ay nakalampas kaagad sa pagsusuri ng kinatatalagahang mga  House Committee, at napalahad para sa floor deliberation ng Malaking Kapulungan, hanggang sa ang kaniyang kaunaunahang panukalang batas na natala bilang House Bill No. 300 na may titulong “An Act To Amend Republic Act No. 10868  (Centenarian Act of 2016 and For Other Purposes)” matapos masusugan sa tulong ng ibang mga kongresistang mayroon ding kahawig na panukalang batas ay napagtibay bilang House Bill No.7535 noong Abril ng 2023, at naisaayos ng Bicameral Conference Committee noong Disyembre ng 2023 upang mapagkasundo ang maaari ay bahid ng salungatan o to reconcile the conflicting provisions sa bersyon ng Senado at Kongreso, bago itinuloy sa Tanggapan ng Pangulo noong Enero ng 2024, at makasaysayang nilagdaan ng pagpapatibay upang maging ganap na batas ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. noong Pebrero 26, 2024, at nahayag bilang Republic Act No. 11892  o An Act Granting Benefit to Filipino Octogenarians and Nonagenarians  (o Isang Batas na Nagkakaloob ng Biyaya sa mga Nabubuhay na Filipinong May Gulang na Walumpo at Siyamnapong Taon.)
Impressive o kahanga-hanga si Congressman Loreto S. Amante dahil sa bagamat isang baguhan ay kaagad narinig ang tinig sa Malaking Kapulungan, samantalang karaniwan sa mga Kongresista na naririnig ang boses kung sila ay nasa second term na, at katunayan nito, may isang Kongresista na nauna  kay Kinatawang Loreto Amante na third term na  nang may panukalang batas na natalakay at napagtibay ng kapulungan at naging batas.
Mapapansing bumibilang ng buwan ang bawat hakbangin sa pagbalangkas ng batas, ito ayon kay Congressman Loreto S. Amante ay sa dahilang ang House of Representatives o ang Malaking Kapulungan ay binubuo ng 316 Kongresista, kasama ang mga “Partlist Congressmen,”  na ang nakararami ay pawang nagnanais na marinig ang tinig, na sa panig ng Speaker o ng Tagapangulo ng Malaking Kapulungan ay dapat na silang lahat ay mabigyan ng tamang pagkakataon.
Bagamat ang batas ay napagtibay na noong Pebrero 26, 2024, ito naman ay hindi awtomatikong maipatutupad, sapagkat ito ay dapat pang ipalathala sa Official Gazette, at sa kaso ng Republic Act No. 11982 ay ibabalangkas pa ng Implementing Rules and Regulations (IRR) sa pangunguna ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), at ang “tulong” na ipagkakaloob sa mga kuwalipikadong nakatatandang mamamayan ay magiging kalakip ng “Annual Budget”  ng DSWD sa bawat taon. (Ruben E. Taningco)

Comments

Popular posts from this blog

Senator Bong Go adopted son ng Bayan ng Pila

KABAKA San Pablo City Officers bumisita kay Congressman Loreto “Amben” Amante

Laguna PDRRMO holds Incident Command System Position Course