Kampanya laban sa sakit na dengue, lalo pang pinaigting

 Kampanya laban sa sakit na dengue,  lalo pang pinaigting

 Administrator  Larry S. Amante na  pag-alinsunod sa Babalang-Pahayag ng Department of Health na humihikayat sa lahat na hanapin at wasakin ang lahat ng maari ay maging pangitlugan ng lamok o breeding places of mosquito  upang ganap na mapangalagaan ang mga mamamayan laban  sa sakit na Dengue, sa tagubilin ni Alkalde Vicente B. Amante kay City Health Officer James T. Lee Ho, ay lalo pang pina-igting ng mga tauhan ng City Health Office ang pagsasagawa ng kampanya upang maiwasan ang paglaganap ng sakit na Dengue. 

      Magugunitang inilunsad ng Department of Health sa pangunguna ni Undersecretary Mary Ann Palermo-Maestral ang Palatuntunang “Alas Kwatro  Kontra Mosquito” upang maiwasan ang paglaganap ng sakit na Dengue sa bansa.

     At hinihikayat nina City Health Officer James T. Lee Ho na isagawa ang paglilinis ng kapaligiran at pag-aalis o pagsira sa mga maaari ay maging pangitlugan o breeding places ng mga lamok tuwing alas kwatro o ika-apat ng hapon.

     Dahil dito, may inorganisa sina Dr. James T. Lee Ho  na  mga team na nagha-house-to-house upang ang mga  may tahanan ay mapayuhan sa tamang paglilinis sa kapaligiran ng kanilang bakuran upang maalis ang mga maaari ay maging pangitlugan o breeding places  ng mga lamok. Bukod sa pamamahagi ng Information and Education Campaign Materials, may nagsasagawa rin ng paglalagay ng larvicide o pamuksa ng kiti-kiti sa mga bagay na kumakandong ng tubig-ulan, at pinaghugasan sa mga tahanan.

     Dahil sa lubhang nakababahala ang lumalaking bilang ng nahahawa ng sakit na Dengue sa lungsod na ito ngayon,  kung ihahambing sa bilang ng San Pablo City–  Iniulat ni Citynagkasakit noong mga nakaraang taon, kaya ayon kay Dr. Lee Ho, lalo pa silang masigasig sa pagsasagawa  ng kampanya upang maiwasang may mahawa ng sakit na Dengue, kaalinsabay ng patuloy na kampanya na ang lahat ay umalinsunod sa ipinaiiral na health protocol upang maiwasang mahawa ng iba pang mga karamdaman..  (Ruben E. Taningco)   


Comments

Popular posts from this blog

Senator Bong Go adopted son ng Bayan ng Pila

KABAKA San Pablo City Officers bumisita kay Congressman Loreto “Amben” Amante

Laguna PDRRMO holds Incident Command System Position Course