Medical Mission na Itinaguyod ng SM Foundation sa San Pablo City

 Medical Mission na Itinaguyod ng SM Foundation sa San Pablo City

Ang medical mission na itinaguod ng SM Foundation sa atrium ng SM City San Pablo noong nakaraang Miyerkoles, Pebrero 19, 2025, ay naging matagumpay na  nakatulong sa mahigit sa 1,000 taga-lungsod at kanugnog na munisipyo, hindi lamang sa natugunang maipagkaloob ng SM Foundation ang lahat na  kinakailangan gamot para sa iba’t ibang karamdamang, matapos na ang pasyente ay masuri ng mga kilalang medical practitioner dito sa Lungsod ng San Pablo, kundi dahil sa pakikipagtulungan ng mga kusang loob na tumugon sa hiling ng pangangasiwaan ng mall sa pangangasiwa nina (OIC) Mall Manager Edessa P. Sibug at Public Relations Manager Niña Pasco Wong. Ang diwa ng SM Foundation ay “Pagalingin ang maysakit at tulungan ng mga mahihirap.”   Ang mga kasapi ng San Pablo City  Medical Society sa pangunguna ni Dr. Alvin Joseph D. Mercado, Pangulo ng Lipunan ng mga Manggagamot,  ang nagkaloob ng walang bayad na paglilingkod; ang mga nursing student sa Pamantasan ng Lungsod ng San Pablo (PLSP), at ang  clinical staff ng San Pablo City Red Cross Chapter ang kumuha ng vital information sa mga magsasangguni, samantalang ang mga kasapi ng San Pablo City  Infinity 104 Lions Club sa pangunguna nina Charter President Ellen Nombrado, MJF, at Club President Jarilee I. Pascual, MJF   ang nangasiwa sa administrative side ng medical mission, tulad ng pagtatala at pagkuha ng basic information sa mga dudulog para sumailalim ng pagsusuring medikal.  (Ruben E. Taningco) 

Comments

Popular posts from this blog

Senator Bong Go adopted son ng Bayan ng Pila

KABAKA San Pablo City Officers bumisita kay Congressman Loreto “Amben” Amante

Laguna PDRRMO holds Incident Command System Position Course