Multi-purpose building, isinaayos sa Del Carmen
Multi-purpose building, isinaayos sa Del Carmen
Sa magkatuwang na kahilingan nina Alkalde Glenn P. Flores at Punong Barangay Rodelio H. Reyes, ay naihanap ni Congressman Loreto S. Amante ng pondo para matustusan ang pagsasaayos o rehabilitasyon ng matanda ng Multi-Purpose Building sapagkat ito malaking tulong sa Pangasiwaang Barangay ng Del Carmen dito sa Alaminos, sapagkat ito ay nagsisilbing bulwagang pulungan, palaruan, at kung may kalamidad ay magagamit ding evacuation center. Sa maikling palatuntunang ginanap matapos na ang pinaunlad na gusali ay mabasbasan ng isang pari, ay ipinahayag ng mambabatas na ang pondo ay nahiling niya sa Department of Public Highways (DPWH) na nangangasiwa sa Build! Build! Build! (BBB) Program ng Pamahalaang Pambansa, na ang isinagawang pagsasaayos ay sinubaybayan ng DPWH-Laguna’s 3rd District Engineering Office sa pangangasiwa ni District Engineer Joven M. Calabia. Nasa larawan sina Punong Barangay Rodelio H. Reyes, District Engineer Joven Mendoza Calabia, at Representative Loreto S. Amante na kuha sa pagsisimula ng maikling palatuntunan noong nakaraang Biyernes, Pebrero 7, 2025. Sumaksi sa palatuntunan ng pagpapasinaya sina Vice Mayor Victor L. Mitra, ABC President Billy M. Bautista, Councilor-aspirant Yancy S. Amante, at Board Member-Aspirant Charles Owen M. Caratihan. (Ruben E. Taningco)
Comments
Post a Comment