Pagsanjan Festival 2025: pagbibigay pugay sa talento ng mga Bangkero
Pagsanjan Festival 2025: pagbibigay pugay sa talento ng mga Bangkero
Pagsanjan, Laguna- Ang Pagsanjan Bangkero Festival ay selebrasyon ng makulay, masayang kutura at payapang kasaysayan ng Pagsanjan at pagbibigay pugay sa talento at dedikasyon ng mga bangkero na itinuturing na mga makabagong bayani.
Malaking tulong para sa paglago ng ekonomiya ng bayan ng Pagsanjan ang pagsasagawa ng Bangkero Festival.
Sa mensahe ni Municipal Mayor Cesar V. Areza ang tema ng Pagsanjan Festival 2025 ay “Maligay niyang Tagumpay ang Marubdob na Balakin, Pagsanjan Mahal ka namin” .
Ayon pa kay Mayor Areza, patuloy silang nagsisikap na bawat taon ay higit na mapaganda ang selebrasyon ng Bangkero Festival at gayundin ang mga programang pangturismo ng kanilang bayan.
Ang bayan ng Pagsanjan ay Tourism Capital ng Laguna dahil sa ganda ng lugar at yaman ng kasaysayan nito, ito ang patuloy na pinagsusumikapan ni Mayor Areza na maipagpatuloy sa kanyang pamumuno.
Sa pagsusumikap ni Mayor Areza na mapalakas ang mga negosyo at mapadami ang trabaho, mula sa 3rd Class Municipality ang Pagsanjan ngayon ay 2nd Class Municipality na, layunin ni mayor na ngayong taon ay maging 1st Class Municipality ang Pagsajan.
Ang Bangkero Festival ay apat na Araw na punong puno ng saya at kaabang abang na mga aktibidad mula March 19-22, 2025. Narito ang ilan sa mga programang aabangan sa Bangkero Festival 2025:
Funrun, Misa ng Pasasalamat, Zumba Extrabaganza,Korean Cultural Exchange, Singing & Modern Dance Competition, On the Spot Sagwan painting competition, Bading Galing , Lutong Pagsanjan, Ginoong Bangkero, Karera ng Bangka, Palarong Bangkero,Fluvial Parade
Best decorated kambal na Bangka, Gantungan, Bantilan,Vlog Competition.
Para sa mga nais bumisita at makisaya sa Bangkero Festival maari kayong tumawag sa kanilang landline na 508-5880 o pumunta sa kanilang official FB Account- The Pagsanjan Tourism Page.
Maaring mapanood ang live press conference ni Mayor Areza kaugnay sa Bangkero Festival 2025 sa MADS TV Face book Page. (Mhadz Marasigan)
Comments
Post a Comment