Pamahalaang Lungsod ng San Pablo,muling tumanggap ng Gawad Kalasag
Pamahalaang Lungsod ng San Pablo,muling tumanggap ng Gawad Kalasag
Bilang kinatawan ni Alkalde Vicente B. Amante, ay may ngiting tinanggap ni City Councilor Carmela A. Acebedo, kasama si City Government Assistant Department Head Margarita Vanessa T. Reyes ng City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) ang “Gawad KALASAG Seal of Excellence” para sa Pamahalaang Lungsod ng San Pablo mula sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na kumikilala na ang kahandaan ng pangasiwaang lungsod sa paghahatid ng tulong kung may nagaganap na kalamidad at sakuna ay higit sa pamantayang itinakda ng Philippine Disaster Risk Reduction Management Act of 2010 sa ilalim ng Republic Act No. 10121 o “Beyond Compliant.” Ang Gawad ay tinanggap noong nakaraang araw ng Martes, Enero 28, 2025, ng ganapin ang 24th Gawad KALASAG (Kalamidad at Sakuna Labanan, Sariling Galing ang Kaligtasan) National Awarding Ceremony at Twin Lakes Hotel in Tagaytay City, na iniabot nina Office of Civil Defense (OCD) Administrator/Undersecretary Ariel F. Nepomuneno at OCD-Region IV-A Director Carlos Eduardo Alvarez III. (Ruben E. Taningco)
Comments
Post a Comment