San Bartolome Relocation Site may 1,049 housing units na
San Bartolome Relocation Site may 1,049 housing units na
San Pablo City-Noong nakaraang Pebrero 14, 2025 sa ginanap na 13th Local Inter Agency Committee and Local Housing Board Meeting kahapon sa AVR-PLSP ay ini-report ng NHA IV Laguna District Office na may 1,049 housing units na ang naitayo sa St. Barts Southville Heights, na isang relocation site sa Brgy. San Bartolome para sa may 1,099 affected families ng PNR South Long Haul Project. May 894 units na ang may roofing, plastered walls at roughing-ins; 64 units ang may roof framing at roughing-ins; 63 units ang may walls, flooring at water line at 28 units ang may foundation pa lang. At as of January 2025 ay mayroon ng water connection at pumphouse at 37 poste ng Meralco. Para naman sa access road right of way, 100m na ang paved roads at mayroon pang 300m na rough roads. Dagdag pa ng mga opisyales ng NHA, sa unang 150 families na ililipat sa St. Barts, 89 families na ang may entry pass, kung saan sa First Day ng Relocation ay first 25 families muna ang makakalipat sa nasabing housing project.
Sa nasabing pagpupulong ay ginanap na rin ang presentation at signing ng Resettlement and Relocation Action Plan (RRAP) na pinangunahan nina NHA IV Regional Manager Roderick T. Ibañez, Vice-Mayor Justin G. Colago bilang kinatawan ni Mayor Vicente B. Amante at Councilors Francis Calatraba, Carmela Acebedo, Tibor Amante at Ambo Amante. Ayon kay RM Ibanez ang St. Barts Housing Project ay isang enhanced unit at ang pinakamagandang pabahay ng NHA sa buong bansa. Kaya naman ipinaaabot ni Mayor Vicente B. Amante ang kanyang taos-pusong pasasalamat kay Pangulong Ferdinand E. Marcos, Jr. at sa mga opisyales ng NHA, DOTr, PNR, PCUP, DHUSD, CUDHO at iba pang tanggapan ng Pamahalaang Nasyonal at Lokal, na siyang nagtataguyod ng housing project para sa mga informal settlers ng Lungsod ng San Pablo. (CIO-San Pablo/Photo credit Mhadz Marasigan)
Comments
Post a Comment