Tingog Partylist Congressman Jude Acidre, mainit na sinalubong ng mga taga-Laguna
Tingog Partylist Congressman Jude Acidre, mainit na sinalubong ng mga taga-Laguna
Pagsanjan, Laguna – Mainit ang pagtanggap ng mga taga-Laguna sa pagbisita ng Tingog Partylist sa mga bayan ng Pakil at Pagsanjan noong nakaraang Pebrero 24, 2025. Sa mensahe Cong Acidre ay pinasalamatan niya ang mga dumalo at nagbigay ng suporta para sa Tingog Partylist.
Sa isang panayam nabanggit ni Congressman Jude Acidre, marami sa mga proyektong naipatupad ng kanilang grupo ay nakatulong ng malaki sa mga kababayan pilipino. Kabilang dito ang pagtatayo ng mga Tingog Satellite Office, na naglalayong mapabilis ang pag-aksyon sa mga problemang medikal, pinansyal, at pang-edukasyon.
Ayon kay Cong. Jude, ang Tingog Partylist lamang ang may mga satellite office sa buong bansa.
Binalikan din ni Acidre ang kanilang unang pangangampanya, kung saan kakaunti pa lamang ang naniniwala sa kanilang mga programa. Subalit, aniya, nakita na ngayon ang resulta ng kanilang dedikasyon sa pagpapalapit ng gobyerno sa taumbayan. Ipinahayag din niya ang taos-pusong pasasalamat sa patuloy na suporta ng publiko sa Tingog Partylist.
Samantala, nagbigay ng mensahe ng suporta sina Pagsanjan Mayor Cesar Areza at Pakil Mayor Vince Soriano sa ginanap na press conference sa Cezar Areza Mall.
Ayon kay Mayor Soriano, bukod-tanging ang Tingog Partylist lamang ang kanyang nakikitang tunay na may malasakit sa mga mamamayan, lalo na sa pagbibigay ng serbisyo sa mga liblib na probinsya at munisipalidad.
Ayon naman kay Mayor Areza, hindi na nahihirapan ang mga Pagsanjeño na lumapit sa Tingog Partylist dahil madaling maabot ang kanilang tanggapan at mabilis ang pag-aksyon sa mga nangangailangan.
Nagkaroon din ng house-to-house campaign sa bayan ng Santa Cruz at nag-courtesy call kay
Mayor Jose Padrid sa bayan ng Bay, Laguna at kinumusta ang batang natulungan ng Tingog Partylist na maoperahan sa bansang India na may sakit na biliary atresia.(RJ Reportorial Team)
Comments
Post a Comment