Turn-Over Ceremony ng Bagong School Building sa San Isidro NHS, pinangunahan ni City Administrator Larry S. Amante
Turn-Over Ceremony ng Bagong School Building sa San Isidro NHS, pinangunahan ni City Administrator Larry S. Amante
San Pablo city- Noong nakaraang Pebrero 11, 2025 bilang kinatawan ni Mayor Vicente B. Amante ay pinangunahan ni City Administrator Larry S. Amante ang ribbon cutting at turn-over ceremony ng Amante Type Building, na isang dalawang palapag na gusali na may anim na silid-aralan, sa San Isidro National High School ngayong araw. Ayon sa butihing city administrator ito ay patunay na patuloy ang dedikasyon ng Pamahalaang Lungsod sa pagpapahusay ng mga pasilidad pang-edukasyon upang matugunan ang lumalaking pangangailangan ng mga mag-aaral.
Kaisa rin si City Schools Superintendent Gerlie Ilagan ng DepEd San Pablo at Councilor Charles Caratihan ng Calauan Laguna sa isinagawang pagbasbas ng bagong gusali upang ipanalangin ang maayos at produktibong paggamit nito. Kaya lubos ang pasasalamat ni Punong Barangay Nelson A. Cacao sa suporta nina Mayor Vicente B. Amante at City Administrator Larry S. Amante, na patuloy na nangunguna sa mga proyektong naglalayong pagandahin ang kalidad ng edukasyon sa Lungsod ng San Pablo. (CIO-SPC)
Comments
Post a Comment