NUVALI FLYOVER PINASINAYAAN:
NUVALI FLYOVER PINASINAYAAN: noong nakaraang Marso19, 2025 ang Nuvali Flyover na matatagpuan sa Cavite-Laguna Expressway (CALAX) sa Lungsod ng Santa Rosa. Ang proyektong ito na pinangungunahan ng Nuvali Estate, katuwang ang Pamahalaang Lungsod ng Santa Rosa, ay naglalayong pagaanin ang daloy ng trapiko sa lugar. Kalakip nito ay ipatutupad din ang isang bagong sistema ng trapiko upang mabawasan ang pagsikip ng daan. Bahagi ito ng patuloy na pagsisikap na mapabuti ang accessibility ng lungsod na siyang isang indikasyon ng progresibong syudad. (CIO-Santa Rosa Monroe)
Comments
Post a Comment