Commission On Audit Exit Conference dinaluhan ni City Administrator Larry S. Amante matapos ang kanyang People’s Day
Commission On Audit Exit Conference dinaluhan ni City Administrator Larry S. Amante matapos ang kanyang People’s Day
San Pablo City- Noong nakaraang Marso 27, 2025 matapos magbigay ng kanyang hindi matatawarang serbisyo sa mga mamamayan ng lungsod ng San Pablo na nagtungo sa kanyang tanggapan ngayong kanyang People’s Day ay agad din na nagtungo si City Administrator Larry sa Commission on Audit (COA) Exit Conference sa Amihan Lounge.
Kasama ni City Administrator Larry sa ginanap na COA Exit Conference ang ilan sa mga punong tanggapan ng lokal na pamahalaan, Schools Division Superintendent Gerlie M. Ilagan at mga kawani ng Commission on Audit Local Government Audit Sector-C.
Bilang kinatawan ni Punonglungsod Vicente B. Amante ay nagpaabot ng mensahe ang butihing City Administrator para sa patuloy na kooperasyon ng pamahalaang lokal sa ilalim ng administrasyong Amante sa lahat ng mga programa at proyekto ng COA lalo’t higit para sa mga audit at transparency na resulta din ng maayos na pag-gogobyerno. (CIO San Pablo)
Comments
Post a Comment