85th Charter Anniversary ng Lungsod ng San Pablo ipinagdiwang kasabay ng pagdaraos ng Gawad Ng Natatanging San Pableno 2025
85th Charter Anniversary ng Lungsod ng San Pablo ipinagdiwang kasabay ng pagdaraos ng Gawad Ng Natatanging San Pableno 2025
San Pablo City- Noong nakaraang Mayo 8, 2025 ay ipinagdiwang ang ika-85 anibersaryo ng karta ng lungsod ng San Pablo na ginanap sa Auravel Hotel and Resort. Kasabay nito ay binigyang parangal din ang mga natatanging San Pableno na nagpakita at nagpamalas ng husay, talino at galing sa kani-kanilang mga sektor.
Ang mga sumusunod na nakatanggap ng Gawad ng Natatanging San Pableno ay sina Engr. Eduardo T. De Mesa; Jocelyn D. Dequito; Anna Maria Rubi B. Diaz; Sergio A. Gesmundo, Jr.; Dr. Susan D.L. Oribiana; Adrienne Amberly U. Palomar; Benildo P. Pasco; Atty. Mia Antonette Quijano; Dr. Maria Cynthia Sanchez; Enrique Tan; at Maria Beatriz P. Tesoro.
Dinaluhan nina Vice Mayor Justin G. Colago, mga miyebro ng Sangguniang Panglungsod at City Administrator Larry S. Amante, kasama ang kanyang butihing esposa na si Ms. Michelle Amante, bilang kinatawan ni Mayor Vicente B. Amante, mga dating nakatanggap ng Gawad ng Natatanging San Pableno; iba’t-ibang mga organisasyong sosyo-sibiko, mga punong tanggapan ng pamahalaang lokal at mga miyembro ng pamilya ng mga ginawaran ng parangal.
Ang nasabing programa ay pinangunahan ng City Tourism Office, at tanggapan ng Punonglungsod sa pangunguna nina City Tourism Officer Maria Donnalyn Brinas at LEDIPO Officer Paul Michael M. Cuadra. (CIO-San Pablo)
Comments
Post a Comment