Agrikultura sa Lungsod ng San Pablo pasisiglahin at higit pang pauunlarin

 Agrikultura sa Lungsod ng San Pablo pasisiglahin at higit pang pauunlarin


        San Pablo City- Pinangunahan ni San Pablo City Administrator Larry S. Amante bilang kinatawan ni Mayor Vicente Amante ang Inauguration at turnover ng Demonstration Farm sa Brgy. San Jose-San Ignacio.

        Dumalo sa nasabing programa sina CLGOO Maria Alma Barrientos, DILG Provincial Director Jay Beltran, DILG CALABARZON Regional Director Ariel O. Iglesia, CESO III, City Agriculturist Abegail F. Agnes, Noemi Enseo at Erlene “EJ” Delgado, kasama ang mga kawani ng San Pablo City Agriculturist Office, CDRRMO at my bahay ni City Admin Larry na si Michelle Santos. 

Nagpasalamat si City Administrator Larry S. Amante sa Department of Interior and Local Government (DILG) sa pagtugon sa kahilingan ni City Mayor Vicente Amante na ilaan sa agrikutura ang Incentive Fund na nakuha mula sa pagkilala sa Lungsod ng San Pablo bilang Seal of Good Local Governance 2023.

Sa inisyatibo ni City Mayor Vic Amante, ang Incentive Fund mula sa 2023 SGLG ay inilagak sa pagpapatayo ng Demo Farm na makapagpapasigla at unlad ng agrikultura ng lungsod. 

Ang nasabing demo farm ay nagpapakita ng mga makabagong pamamaraan, teknolohiya at pag gamit ng natural na resources sa pag tatanim.

Ayon kay Ms. EJ Delgado mula sa City Agriculturist Office,  ang Techno Demo Farm ay nagpapakita ng pamamaraan gamit ang smart agriculture technology na kung saan ito na ang trend ng makabagong pagtatanim, ang d emo farm ay mayroong solar powered irrigation at green house na maaring makaproduce ng isang taong ani ng gulay o pananim na maaring tularan o ma-adopt sa mga taniman sa lungsod “we are very fortunate to our Mayor Vicente Vic Amante na ibigay yung award na pondo sa Agriculture sector” dagdag pa ni EJ.

Ayon naman kay DILG Region IV-A Director Ariel O. Iglesia, makabuluhan ang naging hiling ni Mayor Vicente Amante na makapagtayo ng Demo Farm sapagkat ito ay makatutulong upang mapasigla at unlad ang agrikultura ng lungsod.

Ang lokal na pamahalaan ng Lungsod ng San Pablo sa pangunguna ng City Agriculturist ay patuloy na gumagawa ng mga programa at proyekto upang matugunan, mapaulad at mapasigla ang agrikultura.

Maaring mag sadya sa tanggapan ng City Agriculturist Office para sa karagdagang impormasyon kaugnay sa Demo Farm.

Ang tanggapan ni City Mayor Vic Amante at Administrator Larry Amante ay palagiang bukas at handang magserbisyo para sa mga kababayang San Pableño. (Mhadz Marasigan)

Comments

Popular posts from this blog

Senator Bong Go adopted son ng Bayan ng Pila

KABAKA San Pablo City Officers bumisita kay Congressman Loreto “Amben” Amante

Laguna PDRRMO holds Incident Command System Position Course