Akay ni Gob Libreng Tanghalian Hatid Ay Tulong sa mga Evacuees at Residente sa Bahaing Bayan sa Laguna

Akay ni Gob Libreng Tanghalian Hatid Ay Tulong sa mga Evacuees at Residente sa Bahaing Bayan sa Laguna

Bilang tugon sa matinding pag-ulan at pagbaha sa iba’t ibang bahagi ng Laguna, pinangunahan ni Governor Sol Aragones ang pamamahagi ng libreng tanghalian sa ilalim ng kanyang pinakabagong programanh “Akay ni Gob Libreng Tanghalian.”

Umabot ang tulong sa mga bayan ng Santa Rosa, Calamba, Victoria, Mabitac, Majayjay, Lumban, at Santa Cruz, kung saan daan-daang pamilya ang nakatanggap ng pananghalian at kalinga mula sa pamahalaan. Personal na nagtungo si Gob. Sol kasama ang mga lokal na opisyal sa mga evacuation centers at barangay upang tiyaking direktang naipapaabot ang tulong sa mga nangangailangan.

Lubos ang pasasalamat ng mga residente sa agarang pagtugon ng pamahalaan, dahil sa inisyatibang hindi lang nagbigay ng pagkain kundi pati na rin ng malasakit at aliw sa gitna ng kalamidad. Maging ang mga nanatili sa kanilang mga tahanan ay nabigyan din ng tulong.

Isa sa mga benepisyaryo, si Lita Castillo mula sa Barangay Maligaya, Mabitac, Laguna, ay nagpaabot ng kanyang pasasalamat:
"Nagpapasalamat po kami. Malaking tulong po sa amin ang libreng tanghalian na ito," ani niya.

 Mahigit 8,000 food packs ang naipamahagi sa mga apektadong residente ng limang bayan at dalawang syudad. 
Ang “Akay ni Gob Libreng Tanghalian” ay patuloy na nagsisilbing mahalagang bahagi ng disaster response ng pamahalaang panlalawigan isang mabilis na tugon na puno ng malasakit at pagkakaisa.
Isang paalala ito na sa panahon ng sakuna, hindi kailanman nag-iisa ang mamamayang Lagunense. Sa ilalim ng GOByernong may SOLusyon, sinisiguro ni Governor Sol Aragones na ang serbisyo publiko ay naihahatid hanggang sa pinakaliblib na bahagi ng lalawigan isang tanghalian at isang mainit na ngiti sa bawat pag-abot ng tulong. (30)

Comments

Popular posts from this blog

Senator Bong Go adopted son ng Bayan ng Pila

KABAKA San Pablo City Officers bumisita kay Congressman Loreto “Amben” Amante

Laguna PDRRMO holds Incident Command System Position Course