Alaga at Malasakit: Akay ni Gob Libreng Miryenda, Hatid-Saya sa 14 na Bayan sa Laguna
Alaga at Malasakit: Akay ni Gob Libreng Miryenda, Hatid-Saya sa 14 na Bayan sa Laguna
Bilang patunay ng kanyang patuloy na malasakit sa mamamayan, pinasaya ni Gobernador Sol Aragones ang mga pamilya sa 14 na bayan sa Laguna sa pamamagitan ng programang “Akay ni Gob Libreng Miryenda” isang malawakang pamamahagi ng miryenda na nagpainit hindi lang sa tiyan kundi pati sa puso ng marami.
Mula sa mga sentro ng bayan hanggang sa malalayong barangay, pumila ang mga residente upang tumanggap ng libreng miryendang inihanda nang may pagmamahal at malasakit. Para sa marami, ang simpleng alay na ito ay paalala na kahit maliit na bagay ay may malaking epekto sa pang-araw-araw na buhay ng mga tao.
Isa sa mga masayang tumanggap ng miryenda ay si Melodina Manza mula sa Los Baños, Laguna, na kasama ang kanyang dalawang apo. “Masarap po ang miryenda, pumila din ang aking mga apo at natuwa sila,” ani Melodina, habang bakas sa mukha ang saya.
Nagpahayag din ng pasasalamat si Herman Antenor, isang person with disability. “Kahit papaano po ay malaking bagay ito sa akin,” aniya.
Naging posible ang programa sa tulong ng Pamahalaang Panlalawigan, mga volunteer, at mga lokal na pamahalaan ng bawat bayan na tumulong upang maging maayos at organisado ang pamamahagi.
Ang bawat miryenda ay hindi lang basta pagkain ito ay naging simbolo ng pagkakaisa at malasakit. Ang “Akay ni Gob Libreng Miryenda” ay bahagi ng mas malawak na adbokasiya ni Gobernador Aragones na maghatid ng serbisyong makatao at abot sa lahat isang pamamahalang inuuna ang empathy at koneksyon sa komunidad.
Habang nagpapatuloy ang inisyatibo, layunin ng gobernador na maihatid pa ito sa mas maraming bayan at lungsod sa Laguna. Sa bawat pagkaing ipinapamigay at bawat ngiting sumasalubong, pinatutunayan ng GOByernong may SOLusyon na ang pamumunong may puso ay laging may naiiwang pangmatagalang epekto.
Comments
Post a Comment