Araw ng Bandila sa SM City San Pablo

 Araw ng Bandila sa SM City San Pablo


        San Pablo City - Kaugnay ng nalalapit na paggunita at pagdiriwang ng ika-127 Anibersaryo ng Pagkapagpahayag ng Kalayaan ng Pilipinas  sa darating na Hunyo 12, 2025, pag-alinsunod sa itinatagubilin ng “Flag and Heraldic Code of the Philippines or Republic Act No. 8491,” na nagpapahayag na mula sa Mayo 28 hanggang Hunyo 12 ng bawat taon ay kinikilalang “Pambansang Mga Araw Ng Bandila,” o “National Flag Days,” ang pangasiwaan ng SM City San Pablo ay nagtaguyod ng isang makabuluhang palatuntunan ng pagtataas ng watawat noong nakaraang  Miyerkoles ng umaga, na sinaksihan ng mga pinuno at kawani ng Shopping Center Management Corporation (SCMC), at ng mga may puwesto rito.

     Ang aktwal na pagtataas ng watawat ay pinangasiwaan ng Security Forces ng mall sa pangangasiwa ni Costumer Relations Service Manager Ramon Domingo, sa koordinasyon ni Public Relations Manager Niña Pasco Wong. Ayon kay Acting Mall Manager Edesa P. Sibug, ito ay bilang makabuluhang pag-alaala sa Kasaysayan ng Watawat na ginawa sa Hong Kong, na sa unang pagkakataon ay iniladlad noong Mayo 28, 1898, nang gamitin ng mga Kawal na Pilipino sa madugong pakikihamok sa mga maayos na nasasandatahang mga Kawal na Kastila na naganap sa Sityo Alapan sa Imus, Cavite, na napagwagian ng mga Pilipino na ang nabanggit na bandila ay hindi napalapat sa lupa o naputikan, hindi tulad ng sa mga Kastila na ang watawat ay nakaladkad sa putikan sa sandali ng kanilang pagtakas pabalik sa barko na nakahimpil sa Manila Bay. Ang nabanggit na bandila ang iwinagayway ni Heneral Emilio Aguinaldo ng ipahayag niya ang Kalayaan ng Pilipinas noong hapon ng Linggo, Hunyo 12, 1898, sa Cavite el Viejo na ngayon ay tinatawag na Bayan ng Kawit..  (Ruben E. Taningco)

Comments

Popular posts from this blog

Senator Bong Go adopted son ng Bayan ng Pila

KABAKA San Pablo City Officers bumisita kay Congressman Loreto “Amben” Amante

Laguna PDRRMO holds Incident Command System Position Course